-- Advertisements --

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) CHief PGen. Nicolas Torre III na mayroong matibay na pundasyon at ugnyan ang mga paaralan sa kanilang mga kapulisan para maiwasan ang paglaganp ng bullying at maging ng kriminalidad sa loob ng mga paaralan.

Ayon sa hepe, para matiyak ito ay ibinidang muli nito ang kanilang 911 emergency hotline na maaari nanag magamit sa buong bansa para sa mabilis na pagresponde ng mga pulis sa mga pangangailangan ng publiko.

Aniya, sa pamamagitan ng kanilang hotline maaari silang magsumbong at magreport ng kahit anumang insidente at indikasyon na may kinalaman sa kaligtasan ng mg mag-aaral.

Dagdag pa ng hepe, mahalaga rin na matutukan ang mga insidente ng bullying hindi lamang sa loob ng paaralan ngunit maging sa labas ng ekwelahan na posibleng mangyari sa oras ng uwian ng mga estudyante.

Samantala, ng inisyatibong ito naman ng hepe ay bahagi pa rin patuloy na kampaniya ng kapulisan na mapanatiling payapa, mayos at may seguridad ang pagbubukas ng unang araw ng balik-eskwela ng mga estudyante.