-- Advertisements --

Nasa moderate risk level ngayon ang reproduction rate o ang kapasidad ng COVID19 na kumalat sa Metro Manila mahigit isang linggo matapos ang halalan sa bansa.

Ayon sa OCTA Researcgh Group, ang reproduction number sa National Capital Region ay nasa 0.90 noong May 13 hanggang May 19, mula sa dating low risk level nito na nasa 0.76 lamang noong may 6 hnaggang May 12.

Sa ganitong rate, ang kumpirmadong kaso ay maaaring makapanghawa ng isa pang indibidwal.

Umakyat din ang 7-day average ng bagong covid19 infections sa 19% hanggang 71 cases sa kaparehong period mula sa dating 59 na kaso na naitala noong nakalipas na linggo.

Subalit, sa kabuuan naman nananatiling nasa low risk para sa COVID19 ang Metro Manila gayundin sa ibang pang ginagamit na indicators kabilang ang healthcare utilization rate sa rehiyon ay hindi nagbabago at hindi nakikitaan sa ngayon na umakyat sa higher risk level.

Ayon sa DOH nananatiling nasa minimal risk ang Metro Manila kung saan ang bahagyang pagtaas aniya sa mga kaso ay walang impact sa health care system ng bansa.