-- Advertisements --

Mahigit ang isang linggo matapos ang May 9 elections, iniulat ng Department of Health (DOH) na nakapagtala ito ng bahagyang pagtaas sa bagong COVID19 cases sa anim na lungsod at isang munisipalidad sa Metro manila.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na may ilang lugar ang nakapagtala ng positive growth rate sa nakalipas na linggo subalit ang pagtaas ng infections ay nasa dalawa hanggang 30 cases.

Naitala ang reproduction growth sa Covid19 cases sa Caloocan, Marikina, Muntinlupa, Pasay, Quezon City at sa Pateros.

Sa kabila naman ng nakitang uptick sa mga kaso, sinabi ng DOH na nananatili ang National Capital Region ang mababang average daily attack rate (ADAR) na may mas mababa sa 180 active cases na naitala sa NCR.

Ang pagtaas naman sa COVID19 cases ay hindi pa aniya sapat para magresulta sa mas mataas na admissions sa ospital o critical cases.

Iniulat din ni Vergeire na ang healthcare utilization rate sa bnasa ay less than 20% na may 12% para sa Covid ward beds at 16% para sa ICU beds.

Bagamat may ilang ospital ang binabantayan dahil sa pagtaas ng mga naadmit na pasyente.

Sa ngayon, nnanatiling nasa minimal risk category para sa COVID19 sa buong bansa habang mayroong ilan ding lugar ang inuri sa low risk.