-- Advertisements --
Nagbigay ng plasma mula sa kaniyang dugo si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, ilang araw matapos itong gumaling mula sa naturang sakit.
Isinagawa ang proseso sa sa Philippine General Hospital (PGH) sa lungsod ng Maynila.
Si Zubiri ang kauna-unahang public official sa Pilipinas na nag-positibo sa COVID-19.
Maliban sa kaniya, tinamaan din ng naturang virus sina Sens. Sonny Angara at Koko Pimentel.
Ginawa nina Angara at Zubiri ang pagbibigay ng blood plsma bilang tugon sa panawagan ng PGH, upang mapalakas ang immune system ng iba pang pasyenteng dumaranas ng kaparehong karamdaman.