-- Advertisements --

Ngayong linggo na umano matatanggap ng mga jeepney drivers ang tulong pinansyal na ipinangako ni Willie Revillame sa gitna ng Coronavirus Disease (COVID) pandemic sa bansa.

Ayon sa 59-year-old TV host/actor, personal niyang ipapamahagi ang P5 million cash na paghahati-hatian ng mga tsuper ng jeepney.

Katunayan ay nagkausap na aniya ang mga abogado ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at ang kanyang legal advisers para maisapinal kung saan kukunin ang cash aid na mula mismo sa kanyang ipon.

“Ako ho mismo ang magbibigay nung cash niyo at para sa grupo niyo,” saad nito.

Una nang nilinaw ni Revillame na bukal sa kalooban at hindi lang “pagbubuhat ng sariling bangko” ang kanyang naging hakbang.

Kung maaalala, naglaan din si Willie ng P100,000 bawa isa para sa naulilang pamilya ng apat na Pinoy workers na biktima ng pagsabog sa Lebanon na kumitil ng maraming buhay nitong August 4.