-- Advertisements --

Sisimulan na ng Philippine Red Cross (PRC) ang maramihang pagsusuri sa mga suspected COVID-19 patients sa susunod na linggo.

Isasagawa ang inisyal na mass testing sa Quezon City, na siyang may pinakamaraming kumpirmadong kaso ng nasabing sakit.

Sa kasalukuyan kasi ay may 397 infected na sa nasabing lungsod.

Ayon kay Red Cross Chairman Richard Gordon sa panayam ng Bombo Radyo, nakipag-ugnayan sila sa RITM para magabayan ang kanilang mga tauhan para sa buong proseso ng sensetibo COVID-19 testing.

Maliban dito, nagtayo rin ang PRC ng mga dagdag na hospital tents, namahagi ng PPEs at iba pang kagamitan sa mga doktor at frontliners.

“The Red Cross is actively participating in the nation’s fight against Covid-19. We want to assure the public that we will never get tired of helping our people especially in times of crisis. We are one with the hospitals in catering to the needs of our people,” wika ni Gordon.