-- Advertisements --

Nasa 8.42% ang naitalang nasayang na bakuna sa Pilipinas base sa datos noong August 12.

Ito ang naging tugon ni Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa isinagawang uanng pagdinig ng Senate committee on health and demography ngayong araw.

Mas mababa ito sa 10% indicative wastage rate na ginamit ng World Health Organization (WHO).

Paliwanag ni Vergeire na kadalasan sa mga dahilan nang pagkasayang ng COVID-19 vaccines ay ang expiration, operations related issues kabilang na ang nabuksang vaccines subalit hindi naibakuna, natapon at nabasag na vials, backflow, leftover o underdose.

Nilinaw din ng DOH official na mayroong nasayang na bakuna dahil sa natural disasters na nasira dahil sa bagyong Odette na nanalasa noong Disyembre ng nakalipas na taon habang ang iba naman ay nasira dahil sa sunog at lindol.

May COVID-19 vaccines din na hindi na napakinabangan dahil sa temperature control issues at presence o discoloration sa vials ng vaccine.

Isinagawa ang naturang pagdinig ng Senate panel para talakayin ang general health situtaion sa bansa, COVID-19 situation, gayundin ang dengue situation, updates sa UHC law implementation at containment ng monkeypox virus at pagbili at pagbabakuna ng COVID-19.