-- Advertisements --
Umaasa si Go Negosyo founder Joey Concepcio n na magkaroon ng madaling makabili ang publiko ng mga COVID-19 vaccines sa mga susunod na araw.
Inihalimbawa nito ang US na mabibili ang mga bakuna kontra sa COVID-19 sa mga botika.
Kung kaya aniya ng ibang bansa ay hindi malayong makakaya ito ng Pilipinas.
Maari itong ibenta ng mura sa publiko dahil sa mahirap na pondohan pa ito ng gobyerno.
Nauna ng ipinanukala niya na dapat ay mabigyan ng deputization ang mga private hospitals na bumili ng mga bakuna kontra sa COVID-19.