-- Advertisements --

Nagpakita ng positibong resulta ang coronavirus vaccine candidate na pinagtutulungang idevelop ng BioNTech company mula Germany katuwang ang pharmaceutical company na Pfizer.

Batay sa clinical study na pinangasiwaan ng Pfizer sa Estados Unidos, 24 katao sa pagitan 18 at 55-taong gulang na nakatanggap ng dalawang doses ng bakuna ay nakitaan ng improvement sa antibodies sa loob lamang ng apat na linggo.

Sa 45 pasyente na binigyan ng gamot ay 12 dito ang nakatanggap ng 10-microgram dose, 12 pasyente rin ang binigyan ng 30-microgram dose, 12 sa 100-microgram dose at siyam naman ang placebo.

Dito ay nabatid na nagdulot ng lagnat sa mga pasyente ang 100-microgram dose kung kaya’t hindi na ulit sila binigyan pa ng parehong dosage.

Sa ngayon ay wala pang patunay na kapag mataas ang antibody levels ng isang indibidwal ay magiging ligtas na ito laban sa deadly virus dahilan para magsagawa pa ng mas malawak na pag-aaral ang Pfizer hinggil dito.