-- Advertisements --

Hindi natinag si Vice President Leni Robredo kahit naakusahan ni Davao City Mayor Sarah Duterte ng “politicking” sa 2022 election ang dahilan ng pagpuna nito sa mataas na Coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases sa Davao matapos mangako na dadalin ng Office of the Vice President ang COVID Vaccine Express Program sa Visayas at Mindanao bilang tugon na rin sa tumataas na kaso sa rehiyon.

Ang aksyon ni Robredo ay tugon sa naging apela ni Cagayan De Oro Rep. Rufus Rodriguez na palawigin ni Robredo ang drive-through vaccination program niito sa Visayas at Mindanao na nakakaranas ngayon ng paglobo ng COVID-19 cases.

Sa isang twitter post ay agad na nagpasalamat si Rodriguez sa mabilis na pag-aksyon ni Robredo.

“We need your project here in CDO to vaccinate more people. We need much help that we can get for my constituents in Cagayan de Oro City,”  nakasaad sa tweet ni Rodriguez.

Sa nasabing twitter thread ay sumagot din si Sen Panfilo Lacson na natuwa sa naging palitan ng aksyon ng dalawang opisyal.

Ang apela ni Rodriguez  na mula sa Pwersa ng Masang Pilipino(PMP) kay Robredo ay kasununud na rin ng pinakahuling OCTA Research findings kung saan tinukoy ang Davao City, Bacolod, Iloilo City, Cagayan de Oro at Tacloban bilang areas of concern sa COVID.

Nabatid na sa unang araw ng Vaccine Express initiative ni Robredo sa Maynila ay nasa  2,275 tricycle, pedicab at delivery riders ang nabigyan ng bakuna bukod pa P500 fuel incentive at nakatakdang isunud naman ang mga vendors.

Matatandaan na nagkaroon ng alingasngas kamakailan sa pagitan nina Robredo at Mayor Duterte nang masamain ng huli ang advice ng pangalawang pangulo na pag aralan ng Davao City ang covid approach ng Cebu City.

Ani Robredo mas malaki ang populasyon ng Quezon City subalit nangunguna ang Davap City sa mga local government units (LGUs) na may mataas na naitatalang  kaso ng covid kada araw.

“The Vice President should refrain from giving advice if she knows nothing about what is happening on the ground,” nauna nang pahayag ni Mayor Duterte.

Sa Robredo-Mayor Duterte war ay ilang netizens  ang nagpahayag ng kanilang pagpanig kay Robredo kabilang na dito si Pia Magalona, ang asawa ng yumaong si Francis Magalona,aniya,maling sabihin ni Mayor Duterte na walang alam ang pangalawang pangulo.

Sa katunayan ay nalalaman nito ang sitwasyon kaya may karapatan itong  magkomento.