-- Advertisements --

Napilitang ihinto ng Swiss International Air Lines ang pag-takeoff ng isang eroplano mula sa Delhi patungong Zurich madaling araw ng Linggo matapos na magkaroon ng problema sa makina. 

Ayon sa airline, apat na pasahero at isang crew member ang nasugatan sa insidente. 

Batay sa ulat ng mga awtoridad, isa umano sa mga makina ng eroplano ang nagliyab habang bumibilis ito sa runway, dahilan upang agad na kanselahin ang paglipad nito at kaagad na magsagawa ng emergency evacuation. 

May sakay na 228 na pasahero, kabilang ang apat na sanggol, at 13 crew members ang eroplano na isang Airbus A330. 

Pansamantala namang nagdeklara ng emergency ang Indira Ghandi International Airport kausnod ng insidente na kalaunan ay naibalik din sa normal na operasyona ng runway. 

Samantala, Dinala na sa ospital ang mga sugatang pasahero, habang nagtamo naman ng sprained ankle ang crew member. 

Habang nagsagawa na ng imbestigasyon ang Swiss International sa pamamagitan ng binuong task force upang alamin ang sanhi ng engine issue.