Mismong si US Vice President Mike Pence ang nag-anunsyo na maaaring magkaroon na ng gamot para malunasan ang Coronavirus Disease (COVID)-19.
Sa kanyang press conference kaninang umaga, Manila time, inihayag ni Pence na target sanang mailabas ang naturang lunas laban sa nakakamatay na sakit ay pagsapit ng summer sa kanila o sa huling bahagi pa ng taon.
“The vaccine may not be available until late this year or early next, but the therapeutics to give relief to the people who contract the coronavirus could be available by summer or early fall,” saad ng 60-year-old US vice president.
Gayunman, muling binigyang-diin ni Pence na mababa pa rin ang banta ng COVID-19 sa buong Estados Unidos.
Una nang Kinalampag na ni US President Donald Trump ang mga pharmaceutical companies na pabilisin pa ang ginagawa nilang mga hakbang upang makabuo na ng bakuna laban sa Coronavirus Disease.
Sa ngayon, anim na ang patay sa Washington, mula sa mahigit 100 kaso ng COVID-19 sa 14 na estado sa Amerika.