Nakatakda na ring mag-alok ang Philippine Airlines (PAL) ng RT-PCR testing para sa mga pasahero nito na manggagaling at aalis ng Maynila simula bukas, araw ng Martes.
Sa abiso na inilabas ng paliparan, sisimulan na nito na mag-alos ng RT-PCR testing sa PAL Learning Center sa Ermita, Manila.
Ito ay sa pamamagitan ng Detoxicare Molecular Diagnostics Laboratory dahil isa ito sa Department of Health (DOH)-accredited partner.
Nagkakahalaga ito ng P4,500 kung saan mabibigyan ang mga PAL ticket holders ng P500 discount. Lalabas ang resulta sa loob ng 12 hanggang 24 na oras.
Maaaring isagawa ang COVID-19 test sa pamamagitan ng drive-thru o walk-in services.
Dagdag pa ng PAL, ang mga pasahero na magnanais kumuha ng discount ay kailangang ipakita ang kanilang identification cards, PAL ticker, QR code at health declaration program na makikita sa kanilang official website.
Sa ngayon ay nakipag-ugnayan na ang PAL sa walo pang acredited laboratory at testing facilities para mabigyyan ng comparative testing fees ang mga pasahero mula sa iba’t ibang branches nito sa Metro Manila at mga probinsya tulad ng Cavite, Pampanga, Bulacan, Rizal, Laguna, Batangas, Iloilo at Cebu.