COVID-19 scare: ‘Travel ban sa mga foreign tourists, aprubado na ng IATF’

146

Pinagtibay na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Disease ang rekomendasyong travel ban sa lahat ng dayuhan papasok ng Pilipinas.

IATF March22
IMAGE | Excerpt from IATF Resolution No. 14

Sa ilalim ng inamiyendahang resolusyon ng IATF nakasaad na simula ngayong araw, March 22, ay suspendido muna ang pagbibigay ng visa sa mga dayuhang papunta ng estado.

“Visa issuance to all foreign nationals is suspended with immediate effect
Visa free privileges base on visa free agreements. Those under Executive Order 408 series of 1960 holders of Hong Kong, Macau SAR passports, Macau-Portuguese passport, and British National Overseas passports are also suspended effective March 22, 2020,” nakasaad sa resolusyon.

Hindi naman maapektuhan ng suspension ang foreign spouses o dayuhang asawa ng mga Pilipino at kanilang anak na gugustuhing umuwi ng bansa.

Pati na ang accredited international organizations tulad ng World Health Organization, United Nations, at Asian Development Bank.

“Foreign spouses and children of Filipino’s are exempted from the above suspension.”

“Foreign nationals with visa’s previously issued by foreign service posts will not be allowed entry into the country starting March 22, 2020, except: (a) accredited foreign government and international organization officials and their dependents; and (b) foreign spouses and children of Filipino nationals whose visa’s will remain valid and will be honored when entering the country even after said date.”

Ayon kay Foreign Affairs Usec. Brigido Dulay hindi naman papauwiin ng kanilang bansa ang mga dayuhan na nandito sa Pilipinas.