-- Advertisements --

Nababahala ang ilang airline companies na hindi na mababawi pa ang lugi sa mga flight cancelations bunsod ng kinakatakutan na ngayo’y tinawag na Coronavirus Disease (COVID)-2019.

Sa pagdinig ng House Committees on Tourism at Economic Affairs, sinabi ni ACAP Executive Director Alberto Lim na ngayon pa lamang ay aabot na ng P3 billion ang lugi ng mga airline companies dahil sa mga flight cancellations.

Maaari pa aniyang madagdagan ito sapagkat ang Air Asia at Philippine Airlines ay magpapatupad ng tig-1,600 na flight cancellations hanggang Abril.

Dahil walang katiyakan kung hanggang kailan tatagal ang banta ng COVID-19, sinabi ni Lim na malabo na rin na mabawi pa nila ang kanilang magiging lugi.