-- Advertisements --

CEBU CITY – Ipinag-utos na ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na manatili muna sa kani-kanilang bahay ang mga estudyante at mga may edad na nasa 65-anyos pataas.

Ito’y matapos naglabas ng executive order ang gobernadora kung saan isailalim ang mga ito sa 24-hour curfew bilang bahagi ng mas pinahigpit na hakbang laban sa Coronavirus Disease o COVID-19.

Exempted o hindi kasali aniya sa naturang kautusan ang sinumang magpapa-check up at bibili ng gamot sa botika.

Pero ayon sa gobernadora, kailangang ipakita ang valid ID o certificate of residence sa mga nagbabantay na pulis at sundalo sa checkpoint.

Sinabi rin ni Garcia na papatawan ng penalty ang sinumang lalabag sa kautusan.