-- Advertisements --

Todo panawagan ngayon ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) One-Stop-Shop sa Philippine Genome Center na unahin munang isalang sa genome sequencing ang mga Coronavirus disease 2019 (COVID-19) na nakhuha sa mga Pinoy sa bansa sakaling magpositibo sa nakamamatay na virus.

Sinabi ni One-Stop-Shop Head at Office for Transportation Security (OTS) Administrator Usec. Raul del Rosario, ito ay para agad daw mabantayan ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa sa gitna na rin ng pangambang makapasok at kumalat ang bagong variant ng virus na Omicron.

Agad namang pinaigting ng NAIA ang border control para mapigilang makapasok sa bansa ang Omicron variant ng COVID-19.

Pangunahin na rito ang mahigpit na pagpapatupad ng mga protocols sa mga pasaherong galing sa mga red list countries.

Kasama na rin dito ang pagsuspindi sa mga privilege ng mga pasaherong nasa green list at muling ini-require ang quarantine mula sa dating home quarantine lamang hanggang Disyembre 15.

Maliban dito, nagdagdag na rin sila ng mga frontliners sa NAIA at mas mahigpit na ang pagtatanong sa mga pasaherong dumarating sa bansa para masiguro kung saan talagang bansa galing ang mga ito.