-- Advertisements --

NAGA CITY – Umabot na sa mahigit 1000 ang kabuuang bilang ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Bicol Region.

Sa datos ng Department of Health Center for Health Development (DOH CHD)–Bicol mula sa Eastern Visayas Regional COVID-19 Testing Center naiulat ang panibagong 40 new confirmed cases sa rehiyon na nag resulta sa kabuuang 1,005 confirmed cases.

Nabatid na sa nasabing bilang 25 ang mula sa probinsya ng Albay, walo sa Camarines, dalawa sa Catanduanes at lima naman sa Sorsogon.

Samantala muli namang nakapagtala ng dalawang kaso ng binawian ng buhay dahil sa COVID-19 sa rehiyon at pumalo na rin sa 30 ang total deaths.

Kung maaalala una ng sinabi ng DOH-Bicol na posibleng umabot sa mahigit 1000 confirmed cases ang kaso ng covid sa rehiyon pagsapit ng toang 2021.