Nais ng Republicans sa Estados Unidos na maglabas pa ng karagdagang $1 trilyon o halos P50 trilyon para tugunan ang economic damage na dulot ng coronavirus pandemic.
Ito’y matapos ang ilang linggong pagkabahala ng mga party conservatives dahil sa patuloy na pagwawaldas umano ng US government. Sumasalamin din ito sa takot ng nakararami sa mga ka-alyado ni President Donald Trump dahil sa unti-unting pagbagsak ng ekonomiya ng Estados Unidos, 3 buwan bago ang US presidential election sa Nobyembre.
Kasama sa nasabing halaga ang $100 bilyon na ilalaan sa mga eskwelahan at ipamimigay na stimulus checks na aabot sa $1,200 (P60,000) sa mga American nationals.
Hindi naman sinang-ayunan ang planong ito ng Democrats. Anila lubha na raw nakababahala ang paglalabas ng pondo ng gobyerno sa kabila ng hinaharap na pandemya ng Amerika.
Umabot na ng $2.4 trilyon (P118 trilyon) ang ginastos ng US government para sa virus relief measures ng bansa kung saan bilyong bilyong halaga ang natanggap ng mga kumpanya at individual households.
“We have one foot in the pandemic and one foot in the recovery. The American people need more help,” saad ni Mitch McConnell, Republican Senate majority leader.
Ayon naman kay Ron Wyden, top Democrat sa Senate finance committee, ang bagong proposal ng Democrats na hindi ito makatarungan para sa 30 milyong Americans na umaasa lamang sa unemployment insurance benefits.