-- Advertisements --
Nasa lagpas 1,000 na ang bilang ng mga gumaling mula sa COVID-19 sa bansa, batay sa inilabas na case bulletin ng Department of Health (DOH) ngayong araw.
Ngayong araw may naitala ang DOH na 48 na bagong recoveries kaya ang total na bilang ng mga gumaling ay umakyat pa sa 1,023.
Patuloy namang nadagdagan ang numero ng confirmed cases sa 8,212 bunsod ng 254 na bagong nag-positibo sa sakit.
Habang ang mga namamatay ay dumami rin sa 558, na resulta ng 28 newly reported deaths.