-- Advertisements --

Bumaba pa sa 5 percent ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) ayon sa independent group na OCTA research.

Inihayag ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na bumaba ang seven day positivity rate sa rehiyon sa 5 percent noong January 10 simula 7.9 percent noong January 3.

Ang positivity rate ay tumutukoy sa porsyento ng mga taong napag-alamang positibo para sa COVID-19 sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na nasuri.

Nauna nang iniulat ng OCTA na ang positivity rates sa Luzon areas kabilang ang Batangas, Bulacan, Ilocos Norte, at Pangasinan ay bumaba sa “low” level, ibig sabihin ay bumaba sila sa 5% threshold.

Naitala ng Bulacan ang pinakamababang datos sa 3.5%, mas mababa sa 4.4% noong nakaraang linggo.