-- Advertisements --

Muling magkakasa ng tatlong araw na transport strike ang grupong Manibela simula bukas, Martes, Abril 21 hanggang Miyerkules, Abril 22 sa gitna ang patuloy na pasanin ng mga tsuper bunsod ng krisis sa langis.

Ayon kay Manibela chairman Mar Valbuena, magsasagawa sila ng panibagong strike para kalampagin ang pamahalaan sa pagkolekta ng excise tax at exploitation umano sa taumbayan.

Ipinanawagan niyang itigil na ang panga-abuso at pagaaksaya ng pera.

Aniya, dapat na isulong ng mga awtoridad ang P50 hanggang P60 kada litro dahil ito ang tunay na presyo ng petrolyo at binayaran para sa oil shipments.

Binigyang-diin din ni Valbuena na dapat nang tanggalin ang excise tax at value-added tax sa diesel at gasoline dahil sa patuloy na pagkolekta ng aniya’y mataas at labis na buwis.