Tumaas ang lingguhang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila hanggang 18.8 percent ayon sa monitor ng OCTA Research.
Sinabi ng OCTA Research fellow na si Dr. Guido David na tumalon ng 7.1 points ang positivity rate ng capital region mula sa 11.7 percent na itinaas noong Abril 24.
Ang positivity rate ay tumutukoy sa porsyento ng mga pagsusuri sa COVID-19 na lumalabas na positibo.
Kaugnay niyan, inirerekomenda ng World Health Organization ang 5-percent threshold para sa rate ng positibo sa COVID-19.
Sa isang press briefing, sinabi ni DOH OIC Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nananatiling “low risk” ang rate ng paggamit ng healthcare sa bansa sa kabila ng pagtaas ng mga impeksyon sa coronavirus.
Una na rito, nakapagtala ng 843 bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, na tumaas sa bilang nito na 4,095,468 na kung saan ang kasalukuyang nationwide positivity rate ay nasa 15.9 percent.