Umakyat sa 25.4% ng weekly COVID-19 posivity rate o porsyento ng nagpopositibo sa virus mula sa mga indibidwal na nasuri sa Metro Manila base sa datos noong Mayo 13.
Ayon kay pamdemic monitoring group partikular na ni OCTA Research fellor Dr. Guido David na tumaas ito ng 2.7 points mula sa 22.7% na naitala noong Mayo 6.
Naobserbahan ang mataas na COVID-19 positivity rate sa Bataan (20.2%), Batangas (33.7%), Benguet (20.3%), Bulacan (25.2 %), Camarines Sur (46.5%), Cavite (36.9 %), Isabela (36.6%), Laguna (29.9 percent), Oriental Mindoro (29.5 percent), Pampanga (24.8 percent) Quezon (42.7 percent) at Rizal -(44.4 percent).
Sa Visayas naman nakitaan din ng mataas na positivity rate sa Aklan at Leyte.
Samantala, una ng ipinaliwanag ng Deparment of Health na hidni dapat maging basehan lamang ang covid-19 positivity rate sa monitoring ng covid19 situation sa ating bansa dahil maraming mga factor ang kailangang ikonsidera sa pagtaas ng mga kaso.
Dapat aniya na isaalang-alang ang healthcare utilization at hospital admissions na ngayon ay nananatiling nasa low risk.