-- Advertisements --
facemask

Muling nakapagtala ng bahagyang pagtaas ng COVID-19 sa Metro Manila batay sa monitoring ng OCTA Research Group.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, sa ngayon ay aabot na sa 25.7% ang bilang ng mga indibidwal na nagpopositibo sa COVID-19 sa rehiyon nitong Mayo 20 mula sa dating bilang na 25.4% na naitala noong Mayo 13.

Samantala, bukod dito ay naitala ang nasa 67.4% na positivity rate sa Isabela, mas mataas kumpara sa una nang naitala noong 36.6% sa kaparehong panahon.

Habang nakapagtala rin ng high positivity rates ang mga lalawigan ng Bataan, Batangas, Benguet, Bulacan, Cagayan, Camarines Sur, Cavite, La Union, Laguna, Oriental Mindoro, Palawan, Pampanga, Quezon, Rizal, at Zambales.

Matatandaang una nang nakapagtala ng 1,912 na mga bagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas nitong Linggo.

Batay sa pinakahuling COVID-19 biosurveillance report ng DOH, mayroong pitong additional cases ng Omicron subvariant ng XBB.1.16 o Arcturus ang nadetect sa bansa, na nagtulak sa 11 kabuuang bilang ng mga kaso nito na naitatala sa Pilipinas.