Ikinatuwa ng pamunuan ng Philippine General Hospital (PGH) na sa nakalipas na dalawang araw ay walang naisugod sa kanila na COVID-19 patient.
Ayon sa kanilang tagapagsalita na si Dr. Jonas Del Rosario, mayroon silang 54 pasyente sa ngayon na mayroong COVID-19, na pinakamababa sa mahigit isang taon nang nasa ilalim ng public health crisis ang bansa.
Magugunita na 350 beds ang inilaan ng PGH para sa mga COVID-19 patients sa mga surge na naranasan sa mga nakalipas na buwan.
Umaasa naman aniya sila na sa mga susunod na linggo ay lalo pang baba ang COVID-19 patients na admitted sa kanilang ospital.
Dahil sa pagbaba ng bilang ng kanilang COVID-19 patients, sinabi ni Del Rosario na mas marami pang non-COVID-19 patients naman ang kanilang puwede nang tanggapin.
Nakikita nila na ang pagbaba ng hospital admissions ay dahil na rin sa vaccination rate na mayroon ngayon ang Metro Manila.
Noong Nobyembre, iniulat ng pamahalaan na nasa 94 percent ng target population sa Metro Manila ang fully vaccinated na kontra COVID-19.