-- Advertisements --

Nagbabala si President Donald Trump na nakahanda itong magpataw ng parusa para sa mga bansa na susubukang harangin ang mga inilakas na U.S. deportees dahil sa takot na baka mahawa sila ng coronavirus.

Kasunod ito nang panawagan ng ilang bansa at immigrant advocates na huwag munang payagan ang deportation na ginagawa ng Estados Unidos sa takot na baka may dalang virus ang mga deportees na manggagaling sa ibang bansa.

Una nang tinigil noong Marso ng bansang Guatemala ang pagtanggap ng mga deportees mula Amerika dahil sa COVID-19 ngunit patuloy ito sa pagtanggap ng sarili nilang mamamayan.

Hinarangan din ng naturang bansa ang mga Honduran at Salvadoran migrants na pinaalis ng U.S.

Ayon kay Trump, uutusan niya ang mga consular officials na itigil ang pagproseso sa mga U.S. visa para sa mga bansa na hindi tatanggap ng mga deportees.

Umakyat na sa 500,000 ang kumpirmadong kaso ng sakit sa Amerika.