-- Advertisements --

Nagbabala ang World Health Organization (WHO) na nananatili pa ring banta sa kalusugan ang COVID-19.

Sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, na noong Disyembre pa lamang ay tumaas ang kanilang naitalang kaso.

Sa katunayan aniya ay mayroong mahigit 10,000 na pagkasawi dahil sa COVID-19 ang naitala noong nakaraang buwan.

Kahit na hindi na global health emergency ang nasabing COVID-19 ay nananatiling kumakalat at kumikitil ng buhay ang nasabing virus.

Tumaas ang bilang ng mga itinakbo sa pagamutan matapos na makaranas ng sintomas ng nasabing virus.

Dahil dito ay hinikayat ng WHO chief ang mga bansa na magsagawa ng virus surveillance at sequencing para magkaroon ang publiko ng mura at maasahang mga tests, treatments at bakuna.