-- Advertisements --

Kung si Health Sec. Francisco Duque III daw ang tatanungin, dapat manatili muna ang mga ipinatupad na measures ng pamahalaan kontra pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Bunsod ito ng nalalapit nang pagtatapos ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ng Luzon sa April 14.

Sa isang panayam sinabi ni Sec. Duque na hindi maaaring basta luwagan na lang ang mga ipinatupad na kautusan at panuntunan dahil patuloy pa rin ang pagmo-monitor sa mga kaso.

Inihalimbawa pa ng kalihim ang higit dalawang buwan na lockdown sa China para lang ma-contain ang transmission ng virus.

Ayon sa Health secretary, makabubuti kung hayaan muna ng publiko na may matutunan ang mga opisyal mula sa Chinese doctors na bibisita sa bansa.

Layunin kasi ng 12-man team na magbigay ng technical advice kaugnay ng prevention at control, gayundin ng pagbabahagi sa naging karanasan nila sa mga kaso sa China.

Una ng sinabi ni Sec. Carlito Galvez na siyang “chief implementer” ng national action plan labans a COVID-19 na pinag-aaralan na nila ang posibilidad na ma-extend ang ECQ.