-- Advertisements --
DPWH CARMONA 3
IMAGE | Ceremonial turnover of MEGA Isolation facility in Carmona, Cavite by DPWH, September 6, 2020/DPWH

Naiturn over na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa lokal na pamahalaan ng Carmona, Cavite ang mega isolation facility para sa COVID-19 cases ng bayan at mga kalapit na lugar.

Nitong araw nang daluhan ng ilang opisyal ang turn over ceremony ng repurposed evacuation center sa Brgy. Lantic, na ginawa munang pasilidad para sa treatment ng COVID-19 cases sa Carmona at iba pang industrial zone sa Calabarzon.

Pinangunahan ni Public Works Usec. Emil Sadain, head ng Task Force to Facilitate Augmentation of National and Local Health Facilities, ang turn over kay Carmona Mayor Roy Loyola.

Ang nasabing pasilidad ay may lawak na 3,000-square meters at naglalaman ng 151 bed capacity.

Ayon kay Usec. Sadain, mayroon nang 602 COVID-19 facilities sa buong bansa, na may 23,000 bed capacity.

Mula sa nasabing bilang, 340 ang tapos nang gawin o i-convert bilang treatment facility. Samantalang 262 ang hinahabol na matapos ngayong buwan at sa Oktubre.