-- Advertisements --

Inirekomenda ni Ang Probinsyano Party-list Rep. Ronnie Ong sa pamahalaan na doblehin pa ang COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) information drive nito.

Ito ay matapos na kumpirmahin ng Department of Health (DOH) kahapon ang pagkakapasok na sa bansa ng COVID-19 variant of concern mula sa India.

Sinabi ni Ong na dapat paigtingin ng Presidential communications Operations Office (PCOO) ang potensyal ng iba’t ibang information dissemination assets nito tulad ng Philippine News Agency (PNA) at Philippine Broadcasting Network (PBN).

Ito’y para mapataas ang kaalaman ng publiko hinggil sa mas nakakahawa at nakakamatay na variants ng COVID-19.

Hanggang sa ngayon kasi ay marami pa rin sa mga Pilipino ang hindi siniseryoso ang COVID-19 pandemic, at karamihan sa mga ito ay tila “clueless” pa rin sa sa epekto ng naturang sakit.

Inihalimbawa pa rito ng kongresista ang reports hinggil sa pagdayo ng maraming tao sa isang pool resort sa Caloocan City sa kabila ng mga paalala hinggil sa pagbabawal sa mass gathering at pagsunod sa health protocols dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.