-- Advertisements --
Nasa “critical” levels na ang bed occupancy sa lahat ng COVID-19 intensive care units at wards sa mga ospital sa Quezon City.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, ang mga COVID-19 ICU beds sa lahat ng ospital sa lungsod ay 78 percent nang occupied, habang 77 percent occupied naman ang mga COVID-19 wards.
Samantala, ang isolation beds ay 68 percent nang occupied, na malapit na ring pumalo sa 70 percent critical level.
Ang lungsod ay mayroong kabuuang 2,032 hospital beds para sa COVID-19 patients.
Dagdag pa nito, ang tatlong COVID-19 wards sa tatlong government hospitals ay pawang fully booked na rin.










