-- Advertisements --
Pumalo na ng 1,473 ang namatay sa Brazil dahil sa coronavirus disease o COVID-19 sa loob ng 24 oras dahilan upang umakyat ang kabuuang coronavirus death toll ng bansa sa 34,021
Ang bilang na ito ay higit pa sa naitalang 33, 689 na nasawi sa Italya batay sa datos ng Johns Hopkins University.
Sa ngayon ay nasa ikatlong pwesto na ang Brazil sa may pinakamataas na death toll sa buong mundo kung saan nangunguna pa rin ang Estados Unidos at United Kingdom.
Ayon pa sa health ministry ng bansa na nakapagtala rin ito ng 30,925 bagong kaso ng coronavirus sa loob lang din ng isang araw. May kabuuang bilang na ito ng 614, 941.