-- Advertisements --
Ngayong araw nakapagtala ang DOH ng 111 na bagong confirmed COVID-19 cases sa Pilipinas, kaya umakyat pa sa 6,710 ang kabuuang bilang ng kaso.
Ang death toll naman ay 446 bunsod ng siyam na new reported deaths.
Habang ang recoveries ay 693 ang total dahil sa 39 na bagong naitalang gumaling.
May 61,049 individual naman na ang sumailalim sa testing.
Ang 7,797 sa kanila ang positive at dumaan sa repeat tests. Habang ang nag-negative ay nasa 53,147.