-- Advertisements --

Umakyat na sa 8,589 ang bilang ng kumpirmadong COVID-19 cases sa Quezon City base sa tala ng Department of Health (DOH), ayon sa Quezon City Government.

Ayon sa lokal na pamahalaan, 8,514 sa naturang bilang ay may kumpletong address sa lungsod.

Umaabot naman sa 8,488 ang kumirmado ng Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) ng Quezon City.

“DUmadaan sa validation ng CESU, health center staff at mga opisyal ng barangay ang datos mula DOH para masigurong sila ay residente ng QC,” saad ng Pamahalaang Lungsod sa isang Facebook post.

Hanggang noong Agosto 15, nabatid na ang kabuuang bilang ng active cases sa lungsod ay 2,149.

Ang recoveries naman ay pumapalo sa 5,982 habang ang death toll ay 357.