-- Advertisements --

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 276 na bagong confirmed case ng COVID-19 ngayong araw, April 30.

Sa inilabas na case bulletin ng ahensya pumalo na sa 8,488 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng sakit sa bansa.

Ang numero naman ng recoveries ay patuloy ang pag-akyat, na may total nang 1,043.

Bunsod ito ng 20 bagong naitalang gumaling.

Habang ang total number of deaths ay nadagdagan ng 10, kaya pumalo pa sa 568 ang kabuuang bilang ng mga namatay dahil sa pandemic virus.