-- Advertisements --

Inamin naman ni Usec. Vergeire na dahil may mga dumating na test kits ay asahan na posibleng tumaas pa ang bilang ng mga kaso ng infected ng COVID-19.

“Makikita natin sa pang-araw araw ang pagtaas ng mga kaso. Maybe mayroon tayong tinatawag na ‘articial rise’ dahil nga na-reduce yung backlog natin doon sa laboratory capacity.”

“Pag nagkaroon na tayo ng stable na laboratory testing capacity makikita na natin yung totoong pagtaas ng kaso (ng COVID-19) sa ating bansa.”

Nitong Linggo nang umakyat pa sa 380 ang bilang positive cases ng COVID-19 sa Pilipinas dahil sa 73 na bagong nag-test positive.

Nasa 25 naman na ang namatay dahil sa anim na bago, samantalang 17 na ang recovered patients.

Nitong Sabado nang dumating ang 100,000 test kits na donated ng China sa Pilipinas.

Ayon naman kay Sec. Francisco Duque may darating pang 25,000 mula South Korea.