KALIBO, Aklan – Pitong panibagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa lalawigan ng Aklan nitong hapon lamang, dahilan para umabot na sa 498 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng naturang sakit sa lugar.
Batay sa datos na inilabas ng Aklan Provincial Epidemiology Surveillance Unit ng Provincial Health Office, ang pitong bagong kaso ng COVID-19 ay kinabibilangan ng tatlo mula sa bayan ng New Washington, dalawa ang taga-Kalibo at tig-isa naman mula sa banyan ng Malay at Malinao.
Ngunit ang taga-Malay na isang 80-anyos na babae ay binawian na ng buhay
Dahil dito, nadagdagan ng isa ang total deaths ng Covid-19 sa Aklan na may kabuuang 17.
Samantala, nadagdagan naman ng 11 ang mga gumaling mula sa nasabing sakit, na kapwa residente ng bayan nang Kalibo.
Kaya naman umakyat na rin ang total recoveries sa 417.
Sa nasabing bilang, 63 pa ang aktibong kaso na kinabibilangan ng 58 na kasalukuyang nasa quarantine facility at lima ang naka-admit sa covid ward ng Aklan provincial hospital.









