-- Advertisements --

Nagbabala ang Department of Health (DOH) tinatayang papalo mula sa 2,500 hanggang 18,000 ang bagong kaso ng COVID-19 kada araw sa bansa sa Nobiyembre at Disyembre kapag hindi ipinagpatuloy ang pagsusuot ng face masks.

Ito ay kasama sa iprinisentang posibleng scenario ng DOH sa pagppupulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) noong nakalipas na linggo kung saan napagpasiyahang gawing boluntaryo ang pagsusuot ng face masks sa indoor areas.

Ayon kay DOH OIC Maria Rosario Vergeire, inaasahan na talaga ang pagtaas ng covid-19 infections dahil sa development na ito dahil nananatili pa rin ang covid-19 at patuloy ang mutation.

Subalit binigyang diin ng opisyal na ang mahalaga ay ang nananatiling nasa minimum level ang severe at critical cases at ang hospital utilization ay manageable pa rin.

Apela din ng Health official sa publiko na timbangin muna ang kanilang risk mula sa virus bago tanggalin ang kanilang face mask sa indoor areas sa gitna ng mababa pa ring booster coverage sa ating bansa.

kayat hinihimok pa rin ang publiko na eligible na magpabakuna ng booster.

Paghihikayat pa ng opisyal na kailangang na i-assess muna ang ating risk kapag lalabas o pupunta sa indoor spaces. Kung sa tingin natin ay kakaunti lang ang tao o hindi naman vulnerable sa virus ay maaaring magtanggal ng facemask.