-- Advertisements --

Sumampa na sa higit 11,000 ang bilang ng mga healthcare workers sa Pilipinas na tinamaan ng COVID-19 ayon sa Department of Health (DOH).

Batay sa ulat ng DOH, 292 pa ang nadagdag sa bilang ng medical frontliners na tinamaan ng sakit, kaya naman nasa 11,730 na ang total ng healthcare workers na na-infect ng sakit.

Mula sa nasabing total, 11,383 na ang gumaling dahil sa 325 additional recoveries. Samantalang 71 na ang namatay matapos pang madagdagan ng dalawa. Ang active cases naman o mga nagpapagaling ay nasa 275 pa.

Pinakamaraming tinamaan ng COVID-19 ang mula sa hanay ng nurses na nasa 4,173. Sinundan ng mga physicians o doktor na may 2,053 cases; nursing assistants sa 905 cases; medical technologists sa 572 cases; at midwives na may 346 cases.

Bukod sa medical workers, may mga infected din sa hanay ng mga non-medical staff ng health facilities tulad ng mga administrative staff, security guards, driver, social workers at iba pa.