-- Advertisements --

Nag-abiso na ang Department of Health (DOH) ukol sa inaasahang delayed na paglalabas ng COVID-19 case bulletin ngayong araw ng Lunes, August 10.

Sa isang online post, sinabi ng DOH na mula sa regular na alas-4:00 ng hapon na schedule ng release, ay kanila itong ilalabas mamayang alas-8:00 ng gabi.

Paliwanag ng ahensya, dulot ng biglaang error sa kanilang sistema ang inaasahang delayed release ng bulletin.

“This is due to an unexpected system error that caused the non-inclusion of new cases in the COVIDKAYA-extracted database,” ayon sa DOH public announcement.

“The problem has been addressed already but it entails additional time to process the recently extracted data.”

Inaalam na raw ng Health department ang ugat ng aberya, kasabay ng pangakong hindi na mauulit ang ganitong insidente.

Nitong Linggo pumalo na sa 129,913 ang total ng COVID-19 cases sa Pilipinas dahil sa higit 3,000 bagong kaso ng sakit.