-- Advertisements --
Isinapubliko na ng model na si Gigi Hadid at Hollywood actor Bradley Cooper ang kanilang relasyon.
Sa social media account ng model ay ibinahagi nito ang ilang larawan mula sa kaniyang pagdiriwang ng kaniyang ika-30 kaarawan.
Dinaluhan ito ng kaniyang kaaanak at mga malalapit na kaibigan at ang nobyong si Cooper.
Taong 2023 ng lumabas ang usapin ng relasyon ng dalawa subalit nanahimik ang mga ito at piniling maging pribado.
Nitong Marso lamang ng ibinunyag ni Hadid ang relasyon nila ng actor at sila ay nagkakilala sa isang pagtitipon.
Si Cooper ay may anak na babae mula sa dating nobyang si Irina Shayk.