-- Advertisements --
image 259

Nananatiling manageable ang COVID-19 admissions sa mga pribadong ospital sa bansa sa gitna ng pagtaas ng bilang ng bagong dinadapuan ng sakit.

Ayon kay PHAPI president Dr. Jose Rene de Grano, kakaunti lamang na mga pasyente na tinamaan ng COVID-19 ang kasalukuyang naadmit sa mga pagamutan karamihan sa mga ito ay mayroong comorbidities.

Una ng inamin ni Department of Health (DOH) officer in charge Ma. Rosario Vergeire na naobserbahan ang muling pagtaas ng mga kaso ng virus subalit wala aniyang dapat na ikabahala dahil nananatiling manageable ang hospital ulitization sa buong bansa.

Bagamat hindi pa ikinokonsidera ng ahensiya ang pagbabalik ng mandatoryong pagsusuot ng face mask, nagpaalala ito sa publiko na i-assess ang kanilang sarili kung nararapat na magsuot ng face mask.

Subalit sa parte ni Dr. De Grano, inirekomenda nito na ipagpatuloy pa rin ang pagsusuot ng face mask lalo na sa mga lugar kung saan mayroong mataas na banta ng hawaan ng covid-19.