-- Advertisements --

Nadagdagan pa ng 77 panibagong mga gumaling mula sa sakit na coronavirus disease(COVID-19) sa buong Central Visayas kung saan umabot na sa 22, 047 ang total recoveries nito base pa sa inilabas na data ng Department of Health sa December 7.

Maliban pa, 19 new cases lang ang naidagdag dahilan na umabot sa 24,320 ang total confirmed cases ng rehiyon.

Sa nasabing bilang, 1,394 na ang binawian ng buhay matapos makapagtala 1 panibagong namatay.

Samantala, bumaba na sa 175 ang aktibong kaso ng nasabing virus sa Cebu City ; 103 sa Lapu-lapu City; 47 sa Mandaue City; Bohol, 159; Probinsya ng Cebu,175; 218 sa Negros Oriental; at 2 sa Siquijor.

Sa ngayon, nasa 879 ang total active cases sa buong rehiyon 7.