
Labis ang galit na nararamdaman ngayon ng China matapos ilathala ng isang pahayagan sa Germany ang halos £130bn o halos P8 trillion invoice na di-umano’y utang daw ng China sa naturang bansa sanhi ng coronavirus pandemic.
Tulad ng mga bansang France, United Kingdom at United States sinisisi rin ng Germany ang China dahil sa nararanasang coronavirus crisis ng buong mundo.
Kasunod ito ng mga naglabasang impormasyon kung saan tila pinagtatakpan daw ng Beijing ang katotohanan sa likod ng pandemic na hanggang ngayon ay nananatiling isang malaking misteryo.
Inilunsad ni Julian Reichelt, editor-in-chief ng Bild, ang isang full frontal attack laban kay Chinese President Xi Jinping dahil sa umano’y kapalpakan ng administrayon nito na ilabas ang kumpletong impormasyon tungkol sa COVID-19.
Aniya, imposible raw na hindi batid ng gobyerno ni Xi at ng mga siyentipiko sa China ang tungkol sa nakamamatay na virus ngunit hinayaan lamang niya ito.
“You were too proud and too nationalistic to tell the truth, which you felt was a national disgrace,” dagdag nito.
“You rule by surveillance. You wouldn’t be president without surveillance. You monitor everything, every citizen, but you refuse to monitor the diseased wet markets in your country. You shut down every newspaper and website that is critical of your rule, but not the stalls where bat soup is sold. You are not only monitoring your people, you are endangering them – and with them, the rest of the world.”
“China enriches itself with the inventions of others, instead of inventing on its own,” Reichelt wrote. “The reason China does not innovate and invent is that you don’t let the young people in your country think freely. China’s greatest export hit (that nobody wanted to have, but which has nevertheless gone around the world) is coronavirus.”
Hindi rin daw kaagad tumugon ang mga eksperto ng nasabing bansa nang tanungin sila ng mga Western researchers kung ano na ang nagaganap sa Wuhan.
Dagdag pa ni Reichelt, nakalusot din umano sa surveillance ng presidente ang mga wet markets na nagtitinda ng bat soup na pinaniniwalaan namang pinagmulan ng nakamamatay na virus.
Tinatayang aabot sa €1,784 o halos P98 thousand pesos kada tao ang utang ng China sa mamamayan ng Beijing.