Kumpiyansa ang Malacañan na hindi maaapektuhan ng pagsusumite ng courtesy resignation ng mga pinuno ng mga Government Owned or Controlled Corporations (GOCC), ang performance ng mga tanggapang ito.
Pahayag ito ni Executive Secretaray Lucas Bersamin makaraang ipagutos na rin ng Palasyo ang pagsusumite ng courtesy resignation ng mga pinuno ng GOCCs.
Sinabi ng kalihim, alam naman ng mga opisyal na ito ang kanilang mandato, na dapat magpatuloy ang serbisyo ng kanilang mga tanggapan, sa kabila ng hiling na ito ng Malacañang.
Pagtitiyak ni Bersamin, sa kabila ng performance review na ginagawa ng Palasyo, tuloy lamang ang policy direction ng Marcos Administration, at ng mga government offices sa ilalim nito; At wala rin itong nakikitang epekto sa balikatan ng pamahalaan sa pribadong sektor.
Sa kasalukuyan, halos lahat ng GOCC heads ay nakapaghain na ng resignation letter, at mangilan – ngilan na lamang ang hinihintay.