Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang petisyon ng negosyanteng si Cedric Lee at anim na iba pang indibidwal para mapawalang bisa ang kasong serious illegal detention for ransom kaugnay sa illegal detention sa TV host comedian na si Vhong Navarro noong 2014.
Sa 12 pahinang desisyon na may petsang oktubre 28, pinagtibay ng 17th division ng Appellate Court ang order ng Taguig City Regional Trial court Branch 153 na nagbabasura sa mosyon ni Lee na i-dismiss ang kaso laban sa kaniya.
Isinulat ni Associate Justice Angelene Mary Quimpo-Sale ang naturang desisyon.
Inihayag ng Court of Appeals na walang nakitang grave abuse of discretion sa parte ng trial court kayat ibinasura ang naturang petisyon.
Magugunitang kabilang sa mga akusado ay ang kapatid na babae ni Lee na si Bernice, Simeon Raz, Jose Paolo Gregorio Calma, Ferdinand Guerrero, Sajed Fernandez Abuhijleh, at Deniece Cornejo.