-- Advertisements --
Pumanaw na ang legendary country singer at songwriter na si Mac Davis sa edad 78.
Ayon sa kaniyang manager na si Jim Morey, na ilang araw bago ang kamatayan ni Davis ay inoperahan pa ito sa puso.
Itinuturing ng kaniyang manager na isang mabuting ama at kaibigan si Davis.
Nakilala si Davis sa pagsulat sa kanta ng King of Rock And Roll na si Elvis Presley.
Ilan sa mga sikat na sinulat nitong kanta ni Presley ay ang “A Little Less Conversation” at “In Th Ghetto”.
Nagsimula bilang country music artist si Morris Mac Davis sa tunay na buhay na unang album nitong inilabas ay ang “Song Painter” noong 1970.
Taong 2000 ng nahalal bilang Nashville Songwriters Hall of Fame noong 2000.