-- Advertisements --
Pumanaw na ang country music legend na si Naomi Judd, isa sa miyembro na duo na The Judds, sa edad 76.
Kinumpirma ng kaniyang anak na si Ashley kung saan dumanas umano ito ng sakti sa pag-iisip.
Nakilala si Naomi at ang anak na si Wyonna na sumikat sa pagkanta noong dekada 80.
Ilan sa mga kantang pinasikat nila ay ang “Mama He’s Crazy” at “Love Can Build a Bridge”.
Nakapagbenta sila ng mahigit na 20 milyon records.
Sa loob ng pitong taon ay nagwagi sila ng limang Grammys na mayroong 14 na nag-numero unong kanta ayon sa Country Music Hall of Fame.
Ang nakakabatang si Ashley Judd ay sumikat bilang actress.