CENTRAL MINDANAO – Hawak na ngayon ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO-BARMM) ang operational control ng Cotabato City Police Office mula sa PNP Region 12.

Nanguna si PRO-BARMM Regional Director Police Brigadier General Graciano Mijares sa simpleng seremonya sa Cotabato City Police Office sa Cotabato City.

Ayon kay Mijares, nagpalabas na siya ng kautusan kay Cotabato City Police Director Colonel Michael Lebanan na lahat ng operational activities ng pulisya sa lungsod ay manggagaling na sa PRO-BARMM.

Kasama na ang paghahanda sa seguridad sa nalalapit na halalan ngayong Mayo 13.

Nilinaw ni Mijares na mananatili ang administrative side o kaya ang mga record sa PNP-12 pero pansamantala lamang anya ito hanggang matapos ang eleksyon.